Pangulong Duterte nag-renew ng firearms license

SAP Bong Go

Bagaman presidente na ng bansa, nag-apply pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte ng National Bureau of Investigation (NBI) clearance.

Ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, ito ay para sa renewal ng pangulo sa kanyang license to own and possess firearms.

Bukod sa NBI Clearance, sumalang din ang pangulo sa drug test at neuro test.

“Renewal ng LTOPF so kelangan ng NBI clearance, drug test and neuro (test). He complied,” ani Go.

Ayon kay go, ginawa ng pangulo ang pagrerenew ng kanyang license to own and possess firearms kagabi sa Palasyo ng Malacañan.

Read more...