Nagpaabot ng tulong na aabot sa P9.2 milyon ang European Union para sa mga Filipino na naapektuhan ng pagbaha bunsod ng mga nakalipas na pag-uulan dahil sa Habagat.
Ang naturang humanitarian aid ay idadaan sa pamamagitan ng Philippine Red Cross.
Tinatayang nasa 30,000 katao sa pinaka-nasalantang mga lugar ang makikinabang sa ayuda.
Kabilang sa relief assistance ay ang pamamahagi ng pagkain, malinis na tubig, emergency shelter kits, mosquito nets, blankets, hygiene kits at jerry cans o liquid container.
“This EU funding supports the Philippine Red Cross in delivering much-needed relief assistance through the distribution of essential items including food, safe water, emergency shelter kits, mosquito nets, blankets, hygiene kits and jerry cans,” pahayag ng EU.
Ayon sa datos mula sa pamahalaan, umabot sa higit 400,000 katao ang naapekto ng pagbaha sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.