Dalawang drug suspek patay sa engkwentro sa Cavite

Nasawi ang dalawang suspek matapos mauwi sa engkwentro ang ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Barangay Alima, Bacoor City sa Cavite.

Kinilala ang isa sa mga nasawing suspek na si Harries Iso na kabilang sa drugs watchlist ng mga otoridad dahil sa pagiging street level target, habang wala pang pagkakakilanlan ang kanyang kasamahan.

Ayon sa pulisya, naghain sila ng search warrant laban kay Iso sa kanyang bahay sa nasabing lugar. Ngunit nagpaputok ng baril ang mga salarin, dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis at nauwi sa engkwentro ang operasyon.

Tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga suspek na dahilan ng kanilang pagkamatay.

Read more...