Tumaas ang general retail price index (GRPI) ng mga pagkain sa Metro Manila ng 0.8 percent sa buwan ng Hunyo kumpara noong Mayo ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Taliwas ito sa naging halos sunud-sunod na pagbaba ng GRPI para sa Marso, Abril at Mayo kung saan ang retail prices ay bumabas ng -0.2, -0.6 at -0.3 pecent.
Itinuturong dahilan ng pagtaas ng price index ang pagtaas ng presyo ng bigas, itlog, baboy manok at iba pang agricultural products.
Ang GRPI ay isang pagsukat sa naging pagbabago sa presyo ng retail goods and services.
MOST READ
LATEST STORIES