Andanar kay Mocha: “Huwag na munang magsalita”.

“Huwag na munang magsalita”.

Ito ang naging payo ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar kay Asec. Mocha Uson matapos ang kanyang kontrobersiyal na malaswang video na nagpropromte ng pederalismo.

Ayon kay Andanar bagama’t pinagbawalan na muna si Uson na magsalita sa isyu ay hindi naman ito nangangahulugan na tuluyan na siyang out sa federalism campaign.

Sinabi pa ni Andanar na lahat naman ng mga Pinoy ay welcome sa diskusyon sa pederalismo.

Ayon kay Andanar, wala siyang ipinapataw na anumang sanction o parusa kay Uson sa kabila ng malaswang video.

Ang kinakailangan aniya ngayon ay aprubado ng inter- agency task group ang lahat ng information drive na lalabas patungkol sa pederalismo.

Ipinaliwanag rin ni Andanar na magkakaroon pa sila ng pulong kaugnay sa federalism information drive.

Read more...