Bahagi pa rin ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Anti-Poverty lead convenor Liza Maza.
Ito ay kahit na patuloy na nagtatago sa batas si Maza dahil sa kinakaharap na kasong murder sa pagpatay sa ilang aktibista sa Nueva Ecija.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala namang anunsyo na ginawa kagabi ang pangulo sa cabinet meeting na sinisibak sa puwesto si Maza.
Pero aminado naman ang opisyal na nakalimutan din niyang tanungin kagabi ang pangulo sa cabinet meeting.
Bukod kay Maza, hinahanap rin ng binuong grupo ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sina dating Bayan Muna Reps. Satur Ocampo at Teddy Casiño at Anakbayan Rep. Paeng Mariano.
MOST READ
LATEST STORIES