Nagkasundo na ang mga miyembro ng Metro Manila Council na gumawa ng guidelines para sa pag-aanunsyo ng class suspensions lalo na tuwing masama ang panahon.
Ang Metro Manila Council ay nagsagawa ng pulong ngayong Martes (August 7) upang talakayin ang iba’t ibang mga isyu at panukala, kasama na ang usapin sa pagdedeklara ng suspensyon ng klase.
Present sa meeting ang mga alkalde ng Quezon City, Las Piñas, Makati, Muntinlupa, Pasay, Pateros, at San Juan.
Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, nagpagkasunduan sa pulong na magkaroon na ng “uniform” na basehan para sa pagdedeklara ng walang pasok.
Sinabi pa ni Bautista na ang mga mayor pa rin ang magdedesisyon kung walang pasok kapag malakas na ulan o kung may malawakang baha.
Ikinalungkot naman si Bautista ang mga nakuha nilang batikos, dahil sa late na anunsyo ng class suspension.
Ani Bautista, may mga nagreklamo at nagtext pa mismo sa 8888 hotline ni Pangulong Rodrigo Duterte at may banta naman ang Department of Interior and Local Government o DILG na sususpindihin ang alkaldeng late na nag-anunsyo ng walang pasok.
Aniya, “unfair” para sa mga mayor na mabatikos ng husto dahil sa bigong makapag-suspinde ng klase sa tamang panahon, gayung ang basehan nila ay “scientific” sa pagdedeklara ng class suspension.