Comedian, nanalong presidente sa Guatemala

Guatemala moralesNanalong presidente ng Guatemala ang dating TV comedian na si Jimmy Morales na walang karanasan sa anumang pwesto sa pamahalaan.

“Landslide victory” ang nakamit ni Morales sa katatapos lamang na presidential election sa Guatemala, matapos mapatalsik ang dating presidente doon bunsod ng pagkakasangkot sa corruption scandal.

Matapos matanggap ang resulta ng botohan mula sa 70 percent ng mga polling stations ay nakakuha na si Morales ng 72.4 percent ng boto habang 27.6 percent naman ang nakuha ng kalaban nito na si dating first lady Sandra Torres.

Bago pa man matapos ang pag-tally sa lahat ng resulta ng botohan ay nag-anunsyo na ng pag-concede si Torres at tinanggap ang kaniyang pagkatalo.

Ang 46-anyos na si Morales ay 14 na taong bumida sa isang sketch comedy show sa Guatemala.

Mula sa isang mahirap na pamilya si Morales at nagsimulang sumikat bilang komedyante sa isang serye na may titulong “Moralejas” (Morals) kasama ang kapatid na si Sammy.

Noong taong 2013, naging secretary general si Morales ng grupong National Covergence Front na siyang nag-nominate sa kaniya para tumakbong pangulo ng bansa.

Read more...