Pagsuporta ni Satur Ocampo sa grupo ng mga Lumads, binatikos ni Col. Cabunoc

LUMADSUmani ng batikos mula sa dating tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa isang kaalyado ng administrasyon ang ginawang pagsuporta ni dating Bayan Muna Party List Rep. Satur Ocampo.

Ayon kay dating AFP Public Affairs Chief, Colonel Harold Cabunoc, dapat ipaliwanag din Ocampo ang brutal na pagpatay kay Loreto Agusan Del Sur Mayor Dario Otaza at Impasug-ong, Bukidnon Mayor Mario Okinlay.

Sinabi ni Cabunoc na kapwa Lumad sina Otaza at Okinlay. Dagdag pa ni Cabunoc umaabot sa 360 na Lumads ang napatay ng mga tauhan ng New People’s Army (NPA).“Wag pagtakpan ang kabulastugan ng NPA sa kanayunan. ‘Di ba’t ayaw nila ng extra-judicial killings? Paano itong pagpatay kay Otaza? 360 lumads killed by NPA bandits since 1988. Who will cry justice for them?” ayon sa twitter interaction ni Cabunoc sa Radyo Inquirer.

Dagdag pa ni Cabunoc, dapat ay kasuhan ang lahat ng napatunayang umabuso at pumatay sa mag-amang Otaza at dapat ‘simulan ito sa NPA’. “Kasuhan kahit sinoman ang napatunayang nag-abuso, simulant sa bandidong NPA na pumatay kina Mayor Otaza,” ani Cabunoc.

Samantala, nagbigay din ng reaksyon sa twitter ng Radyo Inquirer ng singer na si Leah Navarro ng Black and White Movement. Ayon kay Navarro, dapat kondenahin din ni Ocampo ang brutal na pagpaslang kay Otaza at sa kaniyang anak.

Read more...