Sa liham ni Puno kay Pangulong Rodrigo Duterte, inihayag ng dating Chief Justice ang kanyang malakas na pagsuporta kay Marquez.
Nais ni Puno na si Marquez ang pumalit sa pwestong iiwan ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr., na magreretiro na bukas (August 8).
Si Marquez, na aplikante bilang Supreme Court Associate Justice, ay nagsilbi noon bilang chief-of-staff ni Puno at naging tagapagsalita ng Korte Suprema, bago maging Court Administrator.
Ayon kay Puno, taglay ni Marquez ang mga katangian na kailangan ng magiging bagong mahistrado ng Mataas na Hukuman.
Kapag aniya naitalaga si Marquez bilang Associate Justice, tiyak daw na marami siyang mai-aambag sa jurisprudence at judicial system sa bansa.
Matatandaang isang Rizza Joy Laurea ang nagtangkang harangin ang aplikasyon ni Marquez, dahil umano sa kwestyonableng disbursements ng pondo ng Korte Suprema. Pero ang alegasyon na ito ay mariing pinabulaanan ng Court Administrator.