TRAIN 2, aprubado na sa Ways & Means Committee ng Kamara

 

Aprubado na sa House Committee on Ways and Means ang consolidated version ng Package 2 ng Comprehensive Tax Reform Package.

Ayon kay Quirino Rep. Dakila Cua, tatawagin na itong Tax Reform for Better and High Quality Opportunities.

Ang pagpasa ng panukala sa komite ay matapos ma-consolidate ng binuong Technical Working Group kasama ang mga opisyal ng Department of Finance ang 12 tax proposals sa kanilang pulong noong Sabado at Linggo.

Ang nasabing panukala, na kapwa priority measure nina Pangulong Rodrigo Duterte at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, ay naglalayong ibaba ang corporate income tax o CIT.

Mula sa kasalukuyang 30% CIT, nais ng TRAIN 2 na maging 25% na lamang ito.

Sa ilalim nito, ang CIT ay magiging 28% simula January 1, 2021; 26% simula January 1, 2023; 24% simula January 1, 2025; 22% simula January 1, 2027; at 20% simula January 1, 2029.

Layon din ng TRAIN 2 ang pag-rationalize sa fiscal incentives sa mga kumpanya na performance-based.

Nauna nang sinabi ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua na ang package 2 ng TRAIN ay tututok sa investment incentives na sakop ng 123 special laws.

 

Read more...