Bagyong Karding, inaasahang hindi magla-landfall sa kalupaan – PAGASA

Isa nang ganap na bagyo ang low pressure area o LPA na namataan sa Silangan ng Aparri, Cagayan.

Batay sa 11:00AM advisory ng PAGASA, ang tropical depression ay tatawaging Bagyong Karding.

Gayunman, sinabi ng PAGASA na hindi magla-landfall sa anumang parte ng bansa ang Bagyong Karding.

Inaasahan na lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility o PAR sa umaga ng Biyernes (August 10).

Samantala sa thunderstorm advisory ng PAGASA, makararanas ng malakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin ang Metro Manila, Cavite, Pampanga, Bulacan, Bataan, Zambales, Laguna at Batangas sa susunod na tatlong oras.

Ang lahat ay pinapayuhan na magkaroon ng precautionary measures laban sa posibleng epekto ng sama ng panahon.

 

Read more...