July inflation rate, pumalo na sa 5.7%

 

.

Tumaas pa ng higit sa limang porsyento ang presyo ng ilang mga bilihin sa ika-pitong sunod na buwan.

Ito ay base sa isang median forecast sa inflation rate sa bansa.

Sa nasabing ulat, nasa 5.7% ang itinaas ng consumer price index sa nakalipas na buwan ng Hulyo na mas mataas sa 5.2% na nairekord noong Hunyo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, ang naitalang 5.7% ay maituturing na fastest rate sa loob ng hindi bababa sa limang taon.

Ang mabilis na pagtaas na presyo ay naitala sa siyam sa labing isang pangunahing bilihin kabilang ang mga “food and non-alcoholic drinks” na umangat ng 7.1% nitong nakaraang buwan lang.

Ang presyo ng bigas ay mabilis din ang pagtaas sa 5.4% mula sa dating 4.7% noong Hunyo.

Naitala ang pinaka-mabilis na pagtaas ng presyo sa National Capital Region na nasa 6.5% mula sa dating 5.8%.

 

Read more...