Huli ang dalawang lalaking sinasabing notoryus na mandurukot sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City, umaga ng Martes (August 7).
Ayon sa mga kawani ng Mayor’s Action Command Outpost, may mga rekord na ng pandurukot ang dalawang suspek at naipa-blotter na rin.
Ang isa sa mga suspek, na hindi pinangalanan, ay nabatid na menor-de-edad, subalit batikan na ang panghoholdap.
Inaresto ang dalawa ngunit sinubukan pang makatakas.
Saglit ding nagkaroon ng habulan pero agad namang naabutan ang mga suspek.
Ayon sa mga otoridad, ang isa sa mga suspek ay may dalang balisong na umano’y ginagamit nito sa pambibiktima.
Dinala ang dalawa sa Police Station 4 ng Mandaluyong City para sa beripikasyon.
READ NEXT
Letran, tutulong sa pagresolba sa kasong kidnap-for-ransom na kinasasangkutan ng ilan sa kanilang estudyante
MOST READ
LATEST STORIES