Letran, tutulong sa pagresolba sa kasong kidnap-for-ransom na kinasasangkutan ng ilan sa kanilang estudyante

 

Handa ang Colegio de San Juan de Letran na makipagtulungan sa mga pulis kaugnay sa kaso ng kidnap-for-ransom na kinasasangkutan ng ilan sa kanilang estudyante.

Sa isang statement, sinabi ng pamunuan ng Letran na nakatuon din sila sa agarang pagresolba sa kaso.

Bukod sa pagbibigay ng kinakailangang kooperasyon sa mga pulis, tiniyak ng Letran na bukas din sila sa pagkakaloob ng ayuda sa pamilya ng sinasabing biktima ng pandurukot.

Higit sa lahat, ayon sa Letran, gagawa sila ng mga karampatang hakbang upang maprotektahan at maitaguyod ang kapakanan ng kanilang mga estudyante.

Ayon sa Philippine National Police o PNP, isang 19-anyos na Letran student ang kinidnap ng isang grupo, at ang mastermind ay ang mismong ka-klase nito.

Humingi umano ng P30 million na ransom ang mga suspek, pero napalaya ang kidnap victim matapos masagip noong August 3 sa isang safe house sa Tondo.

Bukod sa mastermind na taga-Letran, may iba ang suspek na estudyante rin na mula sa iba’t ibang kolehiyo.

 

Read more...