Ang Inter Agency ay binubuo ng Consultative Committee o Con-Com, Department of Interior and Local Government o DILG, Presidential Communications Operations Group at Office of the Presidential Spokesman.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magsisimula ang road show at dissemination activities patungkol sa Pederalismo sa lalong madaling panahon.
Nakipag-ugnayan aniya ang Inter Agency sa mga kinatawan ng akademya upang masiguro na maiintindihan ng mga ordinaryong mamamayan ang usapin sa Pederalismo.
Matatandaang nabalot ng kontrobersiya ang information drive ng Con-Com sa Pederalismo dahil sa malaswang promosyon sa viral video nina Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson at ng blogger na si Andrew Olivar.