Menor de edad, huli dahil sa pagbibitbit ng baril at shabu sa Tondo

Arestado ng mga elemento ng Manila Police District Station-7 ang isang menor de edad dahil sa pagbibitbit ng baril at pagdadala ng ilegal na droga.

Kinilala ng Tayuman Police Community Precinct ang suspek na si Skieven Andrie Abarrientos, 17-anyos, residente ng Tondo, Manila.

Nabatid na nakatanggap ng sumbong ang Tayuman PCP mula sa hindi nagpakilalang concerned citizen hinggil sa presensya ng suspek na armado ng baril sa Kagandahan St. Tondo.

Sa pagresponde ng mga pulis ay nabawi mula sa suspek ang isang kalibre 45 na baril, apat na piraso ng bala, at labing pitong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na ang halaga ay tinatayang aabot sa P40,000.

Kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002 at R.A 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition ang kahaharapin ng suspek sa piskalya ng Maynila.

 

Read more...