Halos 600 abogado madadagdag sa PAO

Aabot sa 597 na mga bagong abogado ang madadagdag sa Public Attorney’s Office.

Sa pagdinig ng kamara sa 2019 budget ng PAO, sinabi ni PAO Chief Persida Acosta na aprubado na ni Pangulong Duterte noon pang nakaraang taon ang mga dagdag na items sa PAO.

Ito ayon kay Acosta ay alinsunod na rin sa utos ng pangulo na gawing 1:1 ang ratio ng abogado sa mga kliyente ng PAO.

Dahil sa mga dagdag na abogado, tumaas ng 34.34% ang budget ng PAO sa 2019 o P4.295 Million mula sa kasalukuyang budget na P3.197 Million.

Paliwanag pa ni Acosta, ang dagdag na budget sa PAO ay para sa sahod ng mga additional items o empleyado ng ahensya.

Sa Lunes, nakatakdang manumpa ang mga bagong abogado na magsisilbi sa PAO.

Read more...