Dudulog sa Malakanyang ang nasa 1,000 miyembro ng Lumads para manawagan kay Pangulong Aquino na tugunan ang patuloy na pagpaslang sa mga Lumads.
Ayon kay Ka Satur Ocampo na nakiisa sa kampanyang “Manilakbayan” ng mga Lumads, sama-sama munang manananghalian sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Matapos mananghalian ay magmamartsa ang grupo patungo sa Mendiola para manawagan sa Malakanyang .
May mga Lumads aniya na magsasalita sa programa sa Mendiola para ilahad ang kanilang karaingan partikular ang sunod-sunod na pagpatay sa kanilang mga lider.
Ito na ang ikatlong “Manilakbayan” ng mga Lumads at ayon kay Ocampo, taon-taon ay pataas ng pataas ang antas ng kanilang idinudulog na problema.
Hinamon din ni Ocampo ang Malakanyang na gumawa ng karampatang aksyon para matugunan ang hinaing ng mga Lumads.