Sec. Harry Roque miyembro na ng political party na Hugpong ng Pagbabago

Nanumpa na si Presidential Spokesman Harry Roque bilang bagong miyembro ng Hugpong ng Pagbabago, ang regional political party ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Roque, bilang tagapagsalita ni Pangulong Duterte, marapat lamang na sumunod siya sa yapak ng punong ehekutibo.

Matatandaang bago nanumpa sa Hugpong ng Pagbabago, nanumpa muna si Roque sa national party ng pangulo na PDP-laban.

Isa si Roque sa mga napabalitang tatakbong senador sa 2019 elections subalit base sa mga survey, hindi siya pumapasok sa magic 12.

Read more...