Dismissal Order laban kay Carandang hindi muna ipatutupad ni Ombudsman Martires

Hihintayin muna ni Ombudsman Samuel Martires ang Motion for Reconsideration (MR) na isusumite ni Ombudsman Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang sa Office of the President.

Sa pagdinig ng Kamara sa panukalang 2019 budget ng Ombudsman, sinabi ni Martires na mayroong 15 araw si Carandang upang magsumite ng kanyang MR.

Ayon kay Martires, kapag nabigo si Carandang na makakuha ng paborableng pasya saka pa lamang nito ipapatupad ang pasya ng Malakanyang.

Binalewala naman ni Martires ang naging pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na kailangan ng ipatupad ang kautusan ng palasyo.

Iginiit ng Ombudsman na maari namang magsalita ng salita si Roque dahil trabaho niya ito pero dapat aniyang hintayin nito kung kailan niya ipapatupad ang dismissal order.

Read more...