Pangamba ng publiko sa bagong batas Philippine Identification System Act, pinawi ni Duterte

Pinawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangamba ng publiko sa posibilidad na malabag ang privacy at security ng mga Pilipino dahil sa nilagdaang Philippine Identification System Act.

Tiniyak ng pangulo na mahigpit na makikipag-ugnayan ang Philippine Statistics Authority sa National Privacy Commission, Department of Information and Communications Technology, at multi-agency PhilSystem Policy and Coordination Council para masiguro na mapangangalagaan ang privacy at security ng bawat Pilipino.

Ayon sa pangulo, malaking tulong ang bagong batas dahil iisang ID na lamang ang gagamitin sa mga transkayon sa gobyerno.

Naniniwala ang pangulo na sa pamamagitan ng Philippine Identification System Act, hindi lang pamadadali ang transaksyon sa gobyerbno kundi mababawawan pa ang korupsyon at red tape sa gobyerno.

Ibinida pa ng pangulo na ilang administrasyon na ang nagtangka na ipasa ang batas subalit nabigo lamang dahil sa pangamba ng iilan.

Read more...