Zero budget sa PCOO, itinutulak ni Akbayan Rep. Villarin

Inquirer FILE

Itinututulak ni Akbayan Rep. Tom Villarin na alisan ng budget ang Presidential Commission Operations Office o PCOO matapos ang kontrobersyal na Pederalismo video ni Mocha Uson..

Ayon kay Villarin, dapat i-zero budget sa susunod na taon ang PCOO dahil sa mga ginagawa ni Uson.

Dapat aniyang ilaan na lamang sa ibang mas mahahalagang bagay ang pondo na ibibigay sa PCOO.

Kasabay nito, binatikos na rin ni Villarin si Mocha at pinagsabihang hindi comedy bar ang tanggapan ng pangulo at sinabing dapat itong umakto na naaayon sa kanyang posisyon bilang public official na may integridad at respeto.

Sinabi pa ng kongresista na hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nalagay sa kahihiyan ang PCOO katulad ng mga simpleng spelling o grammar error at ang pagbibigay ng mga maling impormasyon mula sa mga appointing officials ng ahensya.

Iginiit nito na hindi maikakampanya ni Mocha ang federalism sa pamamagitan ng kalaswaan.

Read more...