BOL, pinabibigyan ng tiyansa ni Pangulong Duterte

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Moro na makiisa sa plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa talumpati ng pangulo sa ceremonial signing ng BOL kahapon sa palasyo ng Malakanyang, sinabi nito na sa pamamagitan ng plebisito, maipapahayag ng mga moro ang kanilang soberenya sa pamamagitan ng pagboto sa balota.

Apela pa ng pangulo, mahalaga na bigyan ng tiyansa ang bagong batas para makamit ang adhhikain ng mga Bangsamoro na magkaroon ng sariling autonomiya.

Hinimok din ng pangulo ang mga Moro na makipagtulungan para sa healing at reconciliation process.

Kasabay nito, pinasalamatan ng pangulo ang Bangsamoro Transition Commission, Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front dahil sa pagiging determinado na maisabatas ang BOL.

Noong July 26 nang ihayag ni Pangulong Duterte sa isang talumpati sa Ipil, Zamboanga Sibugay na nilagdaan na niya ang BOL subalit kanina lamang isinagawa ang ceremonial signing ng bagong batas.

Read more...