Sa pagdinig ng 2019 budget ng Ombudsman sa Kamara, sinabi ni Martires na ipababasura niya ang mga reklamong nasa kanila na may isang taon na o higit pa na nasa isinasailalim sa fact finding investigation.
Paliwanag ni Martires, ang gagawing pagbasura ay without prejudice o maari pang isampa.
Kaugnay nito ipinag utos na ng Ombudsman ang imbentaryo sa mga kaso at reklamong nakasampa sa kanila.
Ang hakbang ng Ombudsman ay kasunod ng ginawang pagsita ng Supreme Court sa mga kasong ibinabasura ng Sandiganbayan dahil sa inordinate delay na umabot na sa 135.
MOST READ
LATEST STORIES