Philippine Identification System Act pirmado na ni Duterte

Photo: Chona Yu

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang ganap na batas ang Philippine Identification System Act.

Sa isang simpleng seremonya sa Malacañang ginawa ang paglagda sa batas na sinaksihan ng mga opisyal ng Senado at Kamara.

Ipinaliwanag ng pangulo na layunin ng nasabing batas na magkaroon ng single national identification system para sa mas maayos na transakyon sa mga pampubliko at pribadong tanggapan.

Tiniyak rin ng pangulo na mabibigyan ng sapat na proteksyon ang privacy ng mga Pinoy hindi tulad ng National ID Bill na idineklarang unconstitutional ng Supreme Court.

May inisyal na P2 Billion na pondo ang Philippine Identification System Act na nakapaloob sa 2018 national budget.

Naunang tinutulan ng mga militanteng grupo ang pagsasabatas sa national I.D dahil sa pangambang gagamitin ito ng pamahalaan laban sa mga kritikal sa kasalukuyang administrasyon .

Read more...