Lalawigan ng Bukidnon nilindol

Philvocs

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Kalilangan sa lalawigan ng Bukidnon.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanplogy and Seismology (Philvocs), naitala ang pagyanig sa layong walong kilometro Silangan ng Kalilangan, Bukidnon 2:20 hapon ng Lunes (Aug 6).

May lalim na 12 kilometers at tectonic ang origin ng lindol.

Ipinaliwanag ng Philvocs na walang banta ng tsunami silang nakikita dahil mahina lang ang naganap na pagyanig.

Wala namang naitalang intensities, aftershocks at pagkasira ng mga ari-arian

Read more...