DOJ nilinaw na hindi pinag-iinitan ang mga militanteng grupo

Photo: Erwin Aguilon

Iginiit ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na wala itong patakaran na tumutukoy ng partikular na mga grupo para kasuhan.

Sa pagdinig ng Kamara sa 2019 budget ng DOJ binigyang diin ni Guevarra na walang pinipili ang DOJ at inaaksyunan nila ang anumang reklamo kahit sino pa ang respondent.

Inusisa ni Gabriela Rep. Arlene Brosas si Gueverra sa papel ng DOJ sa pagbuhay sa matagal nang naibasurang kaso laban sa dating mga kongresista na sina Satur Ocampo, Rafael Mariano, Liza Maza at Teddy Casiño.

Nilinaw ni Guevarra, walang kinalaman ang ahensya dito dahil wala na sa kanilang hurisdiksyon ang kaso laban sa apat na mga kasapi sa mga militanteng grupo at matagal na itong nakabinbin sa Regional Trial Court sa Nueva Ecija.

Sinalungat rin nito ang puna ni Brosas na mabilis ang aksyon ng ahensya kapag ang kakasuhan ay mga kalaban kabilang ang mga aktibista.

Binbigyang-diin pa ng opisyal na naging parehas ang DOJ sa ilalim ng kanyang pamumuno sa pagsasampa ng kaululang mga kaso sa ilang personalidad.

Read more...