Opisyal ng Bureau of Corrections inambush sa Leyte

Malubhang nasugatan sa ambush si outgoing Leyte Regional Prison Superintendent Gerlado Aro.

Patay naman sa pananambang ang kanyang tatlong tauhan na kinabibilangan nina CO3 Nelson D. Patagtag, CO3 Jelanie C. Almario and CO1 Randy A. Pantano.

Sugatan rin ang isa pang tauhan ni Aro na si CO1 Uldarico Mortezo na tulad niya ay ginagamot sa isang opisyal sa bayan ng Abuyog.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pananambang ilang minuto makaraan ang turn-over ceremony para sa bagong pinuno ng Leyte Regional Prison sa bayan ng Abuyog, Leyte.

 

Papunta sa Tacloban City Airport ang opisyal nang sila ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga kalalakihan na armado ng mga high-powered firearms.

Ang ambush ay nangyari sa Cadacan bridge na ilang metro lamang ang layo sa labas ng Leyte Regional Prison Complex.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operations ang mga tauhan ng Philippine National Police sa lugar para tugisin ang nasa likod ng pananambang.

Magugunitang si Aro ay isinangkot kamakailan sa isyu ng droga dahil sa umano’y pagkakanlong niya sa ilang inmate na drug personalities.

Read more...