Ayon kay Police Regional Office 9 director Chief Superintendent Billy Beltran ang suspek ay nakilalang si Mohammad Lacbao Tulete na isang aktibong pulis na may ranggong PO3.
Nakatalaga umano sa Lamitan City Police Station si Tulete.
Si Alih, kasama ang kaniyang asawa at security escort ay tinambangan habang sakay ng kanilang sasakyan noong July 11.
Naglalakad lang umano ang suspek, lumapit sa passenger side ng sasakyan at saka binarily ang bise alkalde.
Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad si Tulete.
MOST READ
LATEST STORIES