Ayon kay Nograles, matindi ang pinagdaanan ng dalawang panukala sa kamara at senado.
Paliwawag nito ang National ID law ay unang ipinanukala dalawang dekada na ang nakalipas ngunit hindi maipasapasa habang ang BOL naman ay naging paksa ng maiinit na debate sa loob ng ilang kongreso.
Sinabi pa ng Davao City solon na nang buong-buo na ang mga itong sinuportahan ng pangulo at sinertify as urgent, agad umanong kumilos ang kongreso kaya ang dating mission impossible ngayon ay naging mission accomplished.
Ang pagsasabatas anya ng BOL at sa National ID law ay nagpapakita lamang sa hangarin ng pangulo na ipamayagpag ang kapayapaan at ang kaunlaran sa buong bansa.
Ang BOL na nilagdaan ng pangulo noong ika-26 ng Hulyo ay maglilikha ng panibagong “Bangsamoro Autonomous Region” (BAR), na papalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao ay pamumunuan ng isang chief minister at dalawang deputy minister, na ihahalal ng bubuuing parliyamento sa rehiyon.
Ang National ID law naman ay isasakatuparan ang pamamahagi ng National ID card sa bawat isang Pilipino.
Ito ay machine-readable government card na kapapalooban ng mga mahahalagang datos hinggil sa cardholder at ang siyang tanging kakailanganin sa mga transaksyon ng mamamayan sa mga tanggapan ng gobyerno at pribadong sektor.