Sa kanyang official Twitter account sinabi ni Sotto na hindi gagana ang paggamit ng theatrical techniques sa pagpapaliwanag ng isang seryosong usapin.
Ginawa ni Sotto ang pahayag kasunod ng video ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson kung saan kasama niya ang blogger na si Drew Olivar na makikitang sumasayaw habang kumakanta ng mga lyrics na may double meaning at tinatalakay ang Pederalismo.
Nauna nang nagpahayag si Senator Aquilino Koko Pimentel III ng kanyang pagkadismaya kay Uson dahil sa nasabing video.
Umani rin ng batikos sina Uson at Olivar ng dahil sa dance number.
Ani Sotto, maaring “joke” ang ginawa sa nasabign video, pero ang Federalism aniya ay hindi kayang ipaliwanag gamit ang iilang minutong entertaining na video.