Nakapasok sa top 12 ng tanyag na “X Factor UK” ang Filipino group na “4th Impact”.
Ang nasabing grupo ay binubuo ng apat na magkakapatid na sina Almira, Irene, Mylene at Celina.
Pinabilib ng magkakapatid ang mentor nilang si Cheryl Fernandez-Versini sa kanilang rendisyon ng “Love the Way You Lie” ni Rihanna.
Ayon kay Versini, gulat na gulat siya sa performance ng grupo. Kasama ni Versini bilang hurado, ang guest mentor na si Jess Glynne sa “Judges House round” ng kompetisyon na ginanap kahapon (oras sa Pilipinas).
Para sa nagdaang round, dinala ang “4th Impact” sa homeland ni Versini sa Rome at doon nagperform.
Ganoon din ang ginawa ng ibang mentors sa kanilang mga hinahawakang grupo.
MOST READ
LATEST STORIES