Ayon kay PAGASA forecaster Chris Perez, sa kanilang inilabas na abiso noong Biyernes, wala silang binanggit na kasama ang Metro Manila sa makararanas ng haze.
Nakasaad aniya sa nasabing abiso na partikular na nakararanas ng smoke at haze o smaze ang Southern philippines at ilang isla sa Visayas. Kasama rin sa apektado ang palawan,
Pinayuhan ng pagasa ang publiko na mag-ingat sa maaring maging epekto ng haze sa kalusugan.
Samantala, nakarating din sa Clark at Laoag ang nararanasang haze sa Mindanao at Visayas na epekto ng forest fire sa Indonesia.
Ayon kay CAAP Deputy Director General Rodante Joya, noong Biyernes, lumaganap ang haze hanggang sa bahagi ng Clark.
Ito aniya ang dahilan kaya nagkaroon ng kanselasyon ng maraming flights ang mga airline companies.
Ngayong araw sinabi ni Joya na wala namang kinanselang flights dahil sa haze.
Karaniwan aniyang apektado ang operasyon kapag makapal ang haze sa mga paliparan na walang instrument approach o instrument landing capability.