1,000 Lumads nagmartsa patungong UP Diliman

12181923_897026677048776_157166054_n
Contributed photo by Leah A. Valle

Nasa isang libong Lumads ang nagmartsa bilang pagpapakita ng protesta sa pamamaslang sa mga IPs o Indigenous People.

Dumaan sa bahagi ng Padre Faura sa Maynila sa harapan ng Korte Suprema at ng Department of Justice (DOJ).

Bahagi ng kanilang kampanya na tinawag nilang “Manilakbayan” nagsimulang magtipun-tipon ang grupo ng mga Lumads kasama ang mga human rights defenders mula sa Mindanao sa bahagi ng Surigao City noong October 18.

Ang kanilang kampanya ay layong ipanawagan kay Pangulong Aquino na pigilan ang pag-abuso sa karapatang pantao at pagpatay sa mga IPs.

Patungo ang nasabing grupo ng mga Lumads sa UP kung saan mula ngayong araw hanggang sa October 31 ay magsasagawa sila ng tinawatag nilang “Kampuhan sa UP Diliman”.

Mula sa UP, magmamartsa naman ang grupo patungong Plaza Miranda sa November 1 bilang bahagi ng pagtatapos ng kanilang “Manilakbayan”.

Read more...