141 na pasahero stranded sa pantalan sa CamSur

Mahigit 100 pasahero ang stranded sa Camarines Sur dahil sa masamang lagay ng panahon.

Sa abiso ng Philippine Coast Guard hindi makabiyahe ang mga sasakyang pandagat sa nasabing lalawigan dahil sa malakas na alon ng tubig.

Dahil dito, nasa 141 na pasahero na ang stranded sa Pasacao Pier.

Inabisuhan ng Coast Guard ang lahat ng kanilang units na ipatupad ang guidelines o panuntunan sa pagbabawal sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat kapag masama ang panahon upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Read more...