Tulak ng droga patay matapos manlaban sa mga pulis sa Bukidnon

Nasawi ang isang tulak ng iligal na droga matapos mauwi sa palitan ng putok ang ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Basak sa Lantapan, Bukidnon.

Kinilala ang suspek na si Reyman dela Victoria, 32 taong gulang na residente lamang sa lugar.

Ayon sa mga otoridad, matapos ang transaksyon at aktong aaretsuhin na si dela Victoria ay bigla itong nanlaban sa mga pulis.

Bumunot ng sariling baril ang suspek at pinaputukan ang mga otoridad, kaya naman nauwi sa shootout ang operasyon na ikinasawi ni dela Victoria.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 45 baril na kargado ng mga bala, apat sa sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, at limang rolyo ng papel na mayroon ding lamang marijuana.

Read more...