2 LPA binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa

Dalawang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa kasalukuyan.

Ayon sa weather bureau, inaasahang palalakasin ng dalawang sama ng panahon ang Habagat na magdadala ng mga pag-ulan hanggang sa mga susunod na araw.

Ang unang LPA ay namataan sa layong 1,295 kilometro Silangan ng Tuguegarao City at may maliit na tyansa namang maging bagyo.

Gayunman, ayon sa PAGASA, posibleng maging tropical depression sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw ang isa pa na namataan sa layong 425 kilometro Kanluran-Timog-Kanluran ng Subic, Zambales.

Patuloy ding binabantayan ng weather bureau ang bagyo sa labas ng PAR na may international name na Shanshan.

Inaasahang magdadala ng pag-ulan ang Habagat sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mimaropa at Western Visayas.

Bahagya hanggang sa paminsan-minsang mga pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng CALABARZON, Bicol Region, Central Luzon at Visayas.

Read more...