Ilang kabahayan sa Brgy. Holy Spirit sa Quezon City, tinupok ng apoy

12177842_10208365365397647_1622297875_n
Kuha ni Erwin Aguilon

Aabot sa P150,000 halaga ng mga ari-arian ang tinupok ng apoy sa Commonwealth Avenue sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Nagsimula ang sunog alas 6:08 ng umaga ng Lunes, October 26.

Itinaas sa ika-apat na alarma ang sunog alas 6:11 ng umaga at naideklarang fire out alas 6:37 ng umaga.

Ayon kay Quezon City Fire Bureau Chief Sr. Supt. Jesus Fernandez, nasa labing-limang kabahayan ang tinupok ng apoy.

Read more...