Nagpuslit ng imported na asukal kakasuhan ng SRA

Inihahanda na ni Sugar Regulatory Administrator Hermenegildo Serafica ang asunto laban sa pasaway na importer na nagpuslit ng mga kontrabandong asukal sa bansa.

Kasabay nito ay nangako ang opisyal na nakalatag ang mga panuntunan para maiwasan ang pagkalat ng naturang kontabando sa merkado.

Sabi ni Serafica, walang imported na asukal ang nabigyan ng clearance nang hindi kasama sa importation program o nanggaling sa kanilang accredited international traders na may pahintuklot para magpasok ng asukal sa bansa.

Maliban sa mahigpit na kordinasyon sa ibang ahensiya, nagsasagawa rin ng spot checks sa mga warehouses at retail outlets ang SRA para masiguto na may sapat na dokumento ang mga ibinibentang asukal sa mga pamilihan.

Una nang pinahintulutan ng SRA ang importasyon ng 200,000 metriko toneladang asukal sa gitna ng pagsirit ng presyo ng lokal na asukal sa merkado.

Sa kasalukuyan ay bahagyang bumaba na ang presyo ng asukal sa ilang mga pamilihan kung saan aabot na lamang sa P58 ang kada kilo ng refined sugar habang mula sa P64 kada kilo.

Nagbabala rin si Serafica na ipatatawag nila ang mga retailer na magbebenta ng mas mataas na presyo ng asukal.

Read more...