(EXCLUSIVE) Traffic enforcer kinadlad sa EDSA-Mandaluyong

Kuha ni Rod Lagusad

Kinaladkad ng isang lalaking nakamotorsiklo ang isang traffic enforcer ng Mandaluyong City nang sitahin dahil sa violation nitong ‘beating the red light’ sa kanto ng Shaw Boulevard at EDSA.

Umabot ang pagkaladkad ng nakamotorsiklo sa railing sa may bahagi ng Shangri-La Mall kung saan natanggal pa ang bahaging tinamaan ng naturang motor na may plakang 1341-OR at mismong ng biktima.

Ayon sa kasamahang traffic enforcer ng biktima ay sinadyang kaladkarin ang biktima matapos sitahin nito ang lalaking nakamotorsiklo dahil sa nasabing violation.

Agad namang tumawag ng ambulansya ang kasamahan nito para malapatan ng agarang atensiyong medikal ang biktima na nawalan ng malay dahil sa pangyayari.

Dumating din sa lugar ang mga pulis na nakadeploy malapit sa lugar para umasiste sa insidente.

Dinala naman ang driver ng motorsiklo sa traffic bureau ng Mandaluyong City matapos ang insidente.

Bahagya namang nagsikip ang daloy ng trapiko sa intersection ng Shaw Boulevard at EDSA dahil sa insidente.

Read more...