Nangangamba si Deputy Speaker Sharon Garin na maglayasan sa Pilipinas ang mga dayuhang mamumuhunan dahil sa isinusulong na package 2 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Garin na ang instability ng pagnenegosyo sa bansa ang pinakamalaking downfall sa TRAIN 2.
Agad namang nilinaw ni Garin na maganda ang panukala ng Department of Finance (DOF) subalit hangga’t sa hindi naipaliliwanag nang husto ay maaaring maisakripisyo ang pagnenegosyo sa bansa.
Sinabi pa ni Garin na mag-aalangan kasi ang mga mamumuhunan sa pabago-bagong sistema ng pagbubuwis sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES