Naramdaman ang isang magnitude 3.3 na lindol sa bayan ng Malaybalay sa Bukidnon.
Batay sa report ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig kaninang alas-4:48 ng hapon.
Naitala ang episentro ng lindol sa layong 13km hilagang silangan ng Malaybalay.
May lalim itong 16km at tectonic ang pinagmulan.
Ayon sa PHIVOLCS, wala namang inaasahang anumang aftershocks o pagkasira ng mga ari-arian dahil sa naganap na pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES