Nagdesisyon na ang pamunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na magpadala ng koponan ang bansa para sa 2018 Asian Games.
Ito ang isiniwalat mismo ni Philippine Olympic Committee (POC) President Ricky Vargas bago ang pagsisimula ng Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup Finals.
Ayon pa kay Vargas, si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ang umapela sa POC at SBP upang irekonsidera ang kanilang naunang desisyon na mag-pullout sa torneo.
Pinahiram ng San Miguel Beermen ang kanilang manlalaro na sina Christian Standhardinger at Paul Lee para magpartisipa sa torneo.
Kabilang naman sa lineup sina Raymond Almazan, Beau Belga, Maverick Ahanmisi, Gabe Norwood, Chris Tiu, James Yap, Stanley Pringle, John Paul Erram, Don Trollano Asi Taulava, Andre Paras, at Prince Rivero
Nananatiling si NLEX coach Yeng Guiao ang hahawak sa pambato ng Pilipinas.
Matatandaang una nang nag-anunsyo ang SBP na hindi sasali ng Pilipinas sa basketball games ng Asian Games dahil sa naunang gulo na kinasangkutan ng Gilas Pilipinas sa kanilang match kontra sa koponan ng Australia.
Ngunit dahil sa mabigat na pressure mula sa publiko ay binawi ng SBP ang naunang desisyon.