80 bahay sa Cebu City, tinupok ng apoy

Photo by: Junjie Mendoza, CDN

Tinupok ng apoy ang hindi bababa sa 80 kabahayan sa isang residential area sa Cebu City, Sabado ng hapon.

Ayon kay Fire Chief Insp. Noel Ababon, hepe ng Cebu City Fire Department, pinaniniwalaang nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Eman Quan na tinutuluyan ni Roxanne Limbagan sa Purok 3, Lower Camputhaw.

Mabilis ding kumalat ang apoy na umakyat sa ikatlong alarma dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Nagsimula ang sunog dakong 3:50 ng hapon at idineklarang under control ng 8:26 ng gabi.

Ayon naman kay Renante Vanguardia, admin aide ng Social Welfare Services sa Cebu City, umabot sa 715 indibidwal ang apektado ng sunog at pansamantalang namamalagi sa Camputhaw gym.

Tinatayang aabot sa P900,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian sa lugar.

Sa ngayon, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang sunog.

Read more...