Moody’s: Pilipinas mananatiling mabagal ang pag-usad ng ekonomiya ngayong 2018

Inihahayag ng Moody’s na mabagal ang pag-usad ng ekonomiya ng bansa sa 6.6 percent sa ikalawang quarter ng taon dahil sa epekto ng mataas na inflation.

Ito ay higit na mababa kumpara sa naunang projection ng mga economic managers ng pamahalaan na 7.8 percent gross domestic product (GDP) growth.

Gayunman ay nananatili namang matatag ang ekonomiya ng bansa dahil sa ilang economic factors ayon pa sa nasabing debt watch group.

Ayon sa pahayag ng Moody’s, “Consumer spending is healthy, thanks to steady inflows of overseas worker remittances and a firm labor market. Investment has been robust and is likely to remain strong, as the government boosts infrastructure development. External demand has remained solid,”

Samantala, sinabi naman ng National Economic and Development Authority (NEDA) na pansamantala lamang ang mataas an inflation.

May may inilatag na umanong safety nets ang pamahalaan para sa lalong madaling panahon ay maibalik sa normal na sitwasyon ang halaga ng Piso na siyang hahatak pababa sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Dahil sa ilang economic reforms na ipinatupad ang pamahalaan ay tumaas ang inflation rate sa bansa kaya itinaas rin nila ang inflation forecast para sa 2018 sa 4.5 percent mula sa naunang 2 hanggang 4 percent lamang.

Read more...