Comelec, mag-iimprenta ng halos 80,000 balota para sa halalan sa Marawi

Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na aabot sa 79,289 na balota ang nakatakdang gamitin para sa magaganap na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Marawi City sa September 22.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ang pag-imprenta sa mga balota ay nakatakda sa August 27 hanggang September 1.

Sa naturang bilang 53,009 ang para sa barangay voters habang 26,280 ang para sa SK.

Samantala, inanunsyo na rin ng Comelec na sa August 23 na magsisimula ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Nauna na ring inanunsyo ang election period na magsisimula sa Aug. 17 hanggang Sept. 29 at ang campaign period sa Sept. 12 hanggang 20.

Read more...