Duterte sa franchise renewal ng ABS-CBN: ‘If I had my way I will not give it back to you’

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang television network na ABS-CBN.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Northern Mindanao Wellness and Reintegration Center sa Malaybalay, Bukidnon, tinawag ng pangulo na magnanakaw at manloloko sa mga maliliit na mamamayan ang giant network.

Sinabi ng pangulo na kung siya lang ang magdedesisyon ay hindi niya ire-renew ang franchise ng ABS-CBN.

Ayon kay Duterte, panay ang pagpapadala ng kinatawan ng network ngayon para siya ay kausapin tungkol sa franchise renewal ngunit hindi raw siya makikipag-usap.

Sa kabila nito ay hindi naman anya makikialam ang pangulo sa proseso ng renewal ng prangkisa ng network.

Sa ngayon ay hindi pa nakalulusot sa Kongreso ang House Bill 4349 na layong mai-renew ang prangkisa ng ABS-CBN para sa susunod na 25 taon.

Nakatakda nang mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN sa taong 2020.
“Now ABS-CBN, ’yang franchise nila is due for renewal. Sige padala emissary para kausapin ako. Pinaalis na nila si Gabby (Lopez) kasi nothing will happen. I will not talk to you, but I will also never intervene. Pero if I had my way I will not give it back to you,” ani Duterte.

Read more...