‘Presidential Debates’ tinawag ni Pangulong Duterte na ‘stupid idea’

Former Davao City Mayor now President Rodrigo Duterte during one of the presidential debates aired on television. ABS-CBN SCREEN GRAB

Isang ‘stupid’ exercise ang presidential debates ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Northern Mindanao Wellness and Reintegration Center sa Malaybalay, Bukidnon, sinabi ng pangulo na ang isa’t kalahating minutong pagsasalita ay hindi sapat para maipabatid sa lahat ang mensahe.

Inalala ng pangulo ang naganap na serye ng presidential debates sa nakaraang presidential election.

“Sponsoring presidential debates is ridiculous. You line these (candidates) onstage, give them two minutes (to introduce their platforms) and one minute and a half (minute) for interpellation, that’s a crazy exercise,” ayon sa pangulo.

Dahil anya sa pagmamadali sa ikli ng oras sa isang presidential debate ay hindi natatapos ng isang kandidato ang kanyang sinasabi.

Wala anyang makukuha ang mga kandidato bukod sa exposure sa telebisyon ngunit dahil kumakandidato nga ay obligado siyang gawin ito.

Isang ‘useless exercise’ anya ang presidential debate kung saan hindi rin naman nakakakonekta ang mga tao sa nagsasalita.

“Nagmadali ang tao, wala silang masabi (People are in a hurry, they can’t finish saying anything); even to lay the predicate, the foundation of their statement. Kaya itong sa sunod na (So, in the coming elections, I’ll just tell them, that’s vicious. Kasali na niyan pangloloko sa tao, (That’s part of fooling the people), you’ll get nothing except that you’ll be seen on TV, pa-Inglis-Inglis (speaking English), trying to be an orator but you don’t have the time, and people cannot connect with you, it’s a useless exercise,” dagdag ng pangulo.

Samantala, nagpasalamat naman ang pangulo kay Bukidnon Governor Jose Maria Rubin Zubiri sa suporta nito sa nakaraang eleksyon.

Iginiit naman ng pangulo na hindi na siya mangangampanya para sa kahit kanino ngayong hindi na siya makatatakbo pa sa kahit anong posisyon kahit sa pagka-barangay kagawad sakaling matapos na ang kanyang termino sa 2022.

Read more...