Sa huling weather advisory ng PAGASA, sinabi nitong makararanas ng maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Palawan, Occidental Mindoro, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nagbabala ang weather bureau ng posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar,
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga biglaang pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, CALABARZON, Marinduque, Bicol region at nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao.
Magiging maganda naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa na uulanin lamang bunsod ng localized thunderstorms.
Patuloy namang inaasahan ng PAGASA na hindi papasok ng Philippine Area of Reponsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na namataan sa Silangan ng Aparri, Cagayan.